Donaire dinadaga kay Montiel

BAGAMA’T tiwala si Nonito Donaire (25-1, 17 KOs ) na makukuha niya ang bantamweight titles ni Fernando Montiel (44-2-2, 34 KOs) sa susunod na Linggo ay hindi naman maiwasan ng Pinoy champ na dagain sa dibdib.

sa isang press conference ay inamin ni Donaire na si Montiel ang pinakamabagsik na makakalaban niya sa ibabaw ng ring.

“I think Montiel will be the toughest guy I have ever faced,” ayon kay Donaire na nagpabagsak ng walo sa siyam niyang katunggali nitong mga huling laban niya. “He knows what he’s doing and he’s been beating guys at the top of the weight class. I know that he’s up there and is capable of anything. I think I’ve faced guys that are tougher and more relentless, but he’s the best all around fighter that I’ve faced.”

Samantala, naniniwala naman si Montiel na mahirap ding talunin si Donaire kung saan binanggit niya ang bilis at talino nito sa paglalaro subalit palaisipan pa rin umano kung ano ang gagawin nito kung makakaharap nito ang taong kasinggaling niya.

“He’s obviously a fighter with a lot of speed and is very intelligent,” wika ni Montiel. “My question is what happens when he faces a guy who is just as good he is. This is the first time he’ll face someone just as fast and intelligent as he is.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply