Donaire hirap sa 118-lb limit

POSIBLE umanong manghina si Nonito Donaire, Jr. sa kanilang bakbakan ni Fernando Montiel sa Linggo dahil apat hanggang limang libra pa ang lampas nito sa bantamweight limit na 118 pounds.

Para mabawasan ang timbang ay kinailangan pa niyang magpapawis sa sauna.

Ayon sa ulat, isang beses na lang din kung kumain si Donaire sa loob ng isang araw at kadalasan ay sabaw, carbohydrates at kaunting tubig lamang.

Subalit tiniyak ni Donaire na sobra ang tulog at pahinga niya kaya mahahabol niya ang timbang at hindi siya manghihina sa aktuwal na sagupaan para sa  World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight belts ni Montiel.

“T’yaga pa rin at saka kaunting sacrifice na makuha ‘yung timbang,” ani Donaire. GP

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply