Donaire kumpiyansa sa laban

TIWALA si two-time world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukas mangingibabaw ang kanyang bagsik sa laban nila ni World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Fernando Montiel.

Ang kanilang bakbakan ay gaganapin sa Sabado (Linggo, Pebrero 19 sa Pilipinas) sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas at isasahimpapawid nang live sa HBO Boxing After Dark.

Ayon kay Donaire, bibigyan niya ng magandang kasiyahan ang mga tao lalo’t pareho ang layunin nila ni Montiel na mapatulog ang isa’t isa.

Kaya naman, sinabi ng Pinoy ring icon na ang mangyayari ay unahan na lamang at malalaman ng tao kung sino ang unang hihiga sa kanilang dalawa sa lona kaya dapat itong panoorin ng mga fans.

“I know that Fernando Montiel wants to knock me out, and I want to knock Fernando Montiel out. So this is why this fight is going to be very entertaining,” ani Donaire.

“After this fight, everyone will know more about me,” matapang namang sagot ni Montiel.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply