Donaire may bagong sandata vs Montiel

WALANG kagatol-gatol na sinabi kahapon ni 2-time world boxing champion Nonito Donaire na gagamitan niya ng bagong sandata upang mapabagsak agad si WBC/WBO bantamweight champion Fernando Montiel sa kanilang laban sa Linggo.

Ayon kay Donaire, gagamitin niya ang kanyang bagong imprub na jab na nadevelop niya sa pakikipag-sparring kay Randy Caballero na gumaya sa estilo ni Montiel.

“Magugulantang si Montiel sa gagamitin kong bagong suntok dahil siguradong mahihilo siya sa bawat tama nito na magpapabagsak sa kanya ng maaga,” wika ni Donaire.

Ilang araw na lang ay maghaharap na sina Donaire at Montiel kung saan tatangkain ng Pinoy na agawin ang hawak na korona ng Mehikano.

“Gagamitin ko ang matutulis na jab kay Montiel na mas mababa sa akin upang hindi siya makadikit,” ani Donaire.

Si Donaire ay 5’6” ang height at 68 inches ang reach, samantalang si Montiel ay 5’4” at 66 inches lamang ang reach.

Maghaharap sa Biyernes sa final press conference sina Donaire at Montiel para sa laban nila sa Linggo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply