Donaire, Montiel swak sa weigh-in

KAPWA nakapasa sina Nonito Donaire at Fernando Montiel ng Mexico sa weigh-in para sa kanilang world title fight, Sabado ng gabi, Linggo sa Pilipinas.

Parehong tumimbang sina Donaire at Montiel ng eksaktong 118 pounds na weight limit ng bantamweight sa kanilang weigh-in na isinagawa sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Kabilang sa mga nanood ng weigh-in ang ilang sikat na boksingerong sina Juan Manuel Lopez, Antonio Margarito at Marco Antonio Barrera na pawang nagsabi na magiging close fight ang laban dahil parehong magaling sina Montiel at Donaire.

Naniniwala si Donaire na kaya niyang pabagsakin sa ikaanim na round si Montiel, habang iginiit ng Mexican boxer na patutulugin niya si Donaire.

Inaasahan namang magbibigay ng magandang laban ang dalawang boksingero upang patunayang sila ang pinakamagaling sa 118-pound division.

Tinaguriang “Ang Pagtutuos”, mapapanood ang laban nina Donaire at Montiel sa ABS-CBN simula 10:15 ng umaga.

Samantala, bukod kay Donaire, sasabak din ang Pinoy boxer na si Mark Jason Melligen laban sa Mexican na si Gabriel Martinez.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply