Donaire vs JuanMa ikakasa

NAGPAHAYAG kahapon si WBO at WBC bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na mula sa 118 lbs ay nais niyang umakyat ng 122 (super bantamweight) hanggang featherweight division kung saan doon naman naghahari si undefeated Puerto Rican Juan Manuel “JuanMa” Lopez.

Ayon kay Donaire,  nanalo via TKO laban kay dating champion Fernando Montiel nitong Linggo, ikinukonsidera niya ang pag-akyat sa 126 ngunit hindi naman siya nagmamadali.

Si Lopez ang tumalo via KO kay Bernabe Concepcion noong isang taon kung saan kahit talo ay nakatikim naman ito sa Pinoy ring icon ng malakas na sapak sa panga na nagpabagsak dito.

“I want everyone and anyone from 118 to 126,” pasaring ni Donaire.

Sinabi pa ng bagong kampeon na ang pagpapamalas niyang ito ng husay ay simula pa lamang.

“I believe I’m the best bantamweight out there, and I do believe I’m in the best pound-for-pound now. I want to be undisputed, but I’ll fight anyone who is willing,” paghahamon pa niya. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply