Donaire vs Moreno kasado na

TINANGGAP na ni WBO/WBC bantamweight champion Nonito Donaire ang hamon ni WBA bantamweight ruler Anselmo Moreno ng Panama para sa unification match.

Ayon sa ulat, itatakda ang laban ng dalawa sa Mayo sa San Francisco, California.

“Gusto kong  bumalik agad sa ring at labanan ang sinumang ihaharap sa akin,” ani Donaire. “Tamang tama lang kung si Moreno ang makalaban ko para mapag-isa ko ang lahat ng titulo sa bantamweight division.”

Pagkatapos pabagsakin ni Donaire si Fernando Montiel ay agad siyang hinamon ni Moreno at sinabing handa niyang balewalain ang nakatakdang pagdepensa sa korona kontra kay Lorenzo Parra ngayon Abril 30 sa Panama upang harapin si Donaire.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply