Dos, Siyete kinabog na ng TV5

HUMAHANAY na  ang TV5 sa GMA-7 at ABS-CBN dahil sa pumalo sa ratings ang pilot episode ng “Babaeng Hampaslupa,” na tinatampukan ni Ms. Susan Roces, Alice Dixson at Alex Gonzaga, at marami pang iba.

Sa 9.8 % AMR at 27.4% audience share  na nakuha  ng kauna-unahang dramaseryeng ito, three-way game na talaga ang laban at  napatunayan ng TV5 na kaya nitong gumawa ng de-kalibreng drama na tututukan din ng  mga viewers.

****

Richard Gutierrez piniga ng tatlong direktor

MATAGUMPAY ang premiere night ng  pelikula ni Richard Gutierrez  na ginanap sa SM Megamall Cinema 9.

Dinagsa ito ng maraming fans at manonood. Sigawan dito, tilian du’n. Bongga!

Dumating lahat na cast ng naturang pelikula mula sa  pangunguna ni Richard Gutierrez kasama ang mga leading ladies na sina Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn  Heausaff at Eugene Domingo. Siyempre nariyan din si Jillian Ward.

Dumating din ang ilang cast dito tulad nina John ‘Sweet’ Lapus, Rocco Nacino at iba pa.

Todo-suporta rin ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez kasama ang mga talents ng Royal Era Entertainment-ang magkapatid na Paolo at Bubbles Paraiso, Ehra Madrigal at  Michelle Madrigal with boyfriend Jon Hall na kasama rin sa movie at Carla Humpries at siyempre si Raymond Gutierrez.

Dumating din sa premiere night ang magkapatid na Maxene at Elmo Magalona.

Ang mga producer sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde; Atty. Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan.

Isang trilogy movie ang pelikulang pang-Valentine ni Richard.  Sa unang episode nito ay ang “Soulmates” nina Richard at Rhian, na dinirek ni Dominic Zapata. Isang romantic/dramedy  kung saan pinatunayan nina Richard at Rhian na mahusay din sila sa comedy. Comfortable ang dalawa sa kissing scene dahil matagal na silang magkaibigan. Yes, it’s a kilig episode, huh!

Second episode ay “BBFF” nina Richard, Solenn at Lovi. Halata ang closeness nina Richard at Soleen. Pinatunayan ni Lovi, na may dugo siyang artista.

Sa “Gunaw” episode nina Chard at Uge, pasok na pasok ang actor makipagsabayan sa  kahusayan sa pagpapatawa ni Uge. Sa kissing scene?  Feel na feel ni Chard ang labi ni Uge habang naghahalikan sila sa ibabaw ng kabayo.

Nakaw-eksena naman ang mga kasuotan ni Chard sa  “BBFF” episode. Bawat eksena, signature ang kasuotan. Lalong tumingkad ang kaguwapuhan at kakisigan ng actor.

Kumpara sa una’t huling episode, ‘di masyadong magastos ang wardrobe ng actor.

Piniga nang husto ng tatlong director (Dominic Zapata, Andoy Ranay at Chris Martinez) ang acting ni Chard kaya lumutang ang kahusayan ng actor. Joe Cezar

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply