Double murder case ibinasura ng CA, Lacson lalantad na

PINAGBIGYAN ng Court of Appeals ang petisyon ni Senador Panfilo Lacson na humihiling na idismis ang kasong double murder case na isinampa laban sa kanya kaugnay sa kontrobersiyal na Dacer-Corbito double murder case.

Sa 80-pahinang resolusyon, binaligtad ng 6th Division ng CA ang dalawang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 18, na nagsasabing may probable cause o sapat na dahilan para sampahan ng kasong double murder si Lacson dahil sa pagdukot at pagpatay sa dating publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong November 2000.

Binawi rin ng appellate court ang arrest warrant na ipinalabas ng Manila court laban sa senador. “The orders dated Feb. 4, 2010 and July 23, 2010 of public respondent court [Manila RTC Branch 18] finding probable cause for the issuance of warrants of arrest against petitioner [Lacson] are nullified and set aside. The informations in Criminal Cases Nos. 10272905 and 10272906 are hereby dismissed,” bahagi ng desisyon.

Ang impomasyon hinggil sa kaso ay inihain ng Department of Justice sa mababang hukuman. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply