Double murder case ni Lacson ibinasura ng CA

PINAGBIGYAN ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni Senador Panfilo Lacson na humihiling na i-dismiss ang kasong double murder case na isinampa laban sa kaniya, kaugnay sa kontrobersiyal na Dacer-Corbito double murder case, iniulat Huwebes, Pebrero 3.

Sa 80-pahinang resolusyon, binaligtad ng 6th Division ng CA ang dalawang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 18, na nagsasabing may probable cause o sapat na dahilan para sampahan ng double murder case si Lacson dahil sa pagdukot at pagpatay sa dating publicist na si Salvador Dacer at  driver nitong Emmanuel Corbito noong November 2000.

Binawi rin ng appellate court ang arrest warrant na ipinalabas ng Manila court laban sa senador.

Ang impomasyon hinggil sa kaso ay inihain ng Department of Justice sa mababang hukuman. Kyle Gatuz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply