DPWH, naghigpit ng pondo

NAGHIGPIT na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggamit ng pondo mula sa Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC) o Road Users’ Tax.

Kaugnay nito, inatasan ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson ang DPWH Road Program Office na repasuhin ang lahat ng plano at programa na popondohan ng MVUC.

Ang nasabing pagrepaso ay kauagnay na rin sa unang napaulat na maling paggamit at pag-abuso sa pondo ng MVUC.

Sa isang department order, itinalaga ni Singson ang hepe ng DPWH Planning Service Chief bilang pinuno ng Road Program Office na tututok sa pagpaplano, paglalatag ng programa, pagpapatupad at pagmomonitor ng mga proyekto na pinondohan ng Road Users Tax.

Upang masiguro umano na nagagamit sa maayos ang MVUC fund, ang mga proyekto na bibigyan ng prayoridad ay manggagaling mula sa Pavement Management System / Highway Development Management (PMS/HDM4).

Sinabi ni Singson na maaari ring gamitin ang MVUC para sa road safety project, gaya ng pagbili ng mga guard rail, safety barrier, pavement marking at pagpapahusay ng mga road sign at safety signages sa mga kalsada.

Sinabi rin ng kalihim na kailangang masugpo ang mga sindikato na nagla-lobby sa mga kongresista para sa maagang pagrelease ng MVUC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply