Driver na kakuntsaba ng holder arestado

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 29-anyos na driver matapos na inguso ng mga biktima na kakutsaba sa panghoholdap sa anim nitong pasahero sa Pandacan, Manila, Linggo ng hapon, Pebrero 27.

Nakakulong ngayon sa MPD Station10 (Pandacan) ang suspek na si Junel Araneta, may-asawa, ng 1439 C. Gomez St., Pandacan, Manila, dahil sa reklamo ni Maricris Bagat, 19, at Maritess Dela Cruz, 21, kapwa receptionist, ng 1920 Obesis st., Pandacan, Manila.

Sa report ni SPO3 Marciano Binayug, desk officer ng MPD Station 10, dakong alas-kwatro ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng Methodist Church sa Zamora St., Pandacan, Manila.

Batay sa pahayag ng biktima, sakay sila ng pampasaherong jeepney (PNY 112) na minamaneho ni Araneta na may rutang Zamora-Leon Guinto nang tumigil ang suspek sa nasabing lugar hanggang sa sumakay ang dalawang suspek, naglabas ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Dahil hindi makapanlaban ang mga biktima ay wala na silang nagawa kundi ang ibigay na lamang ang kanilang mga cellphone (apat na piraso na Nokia), hawak na ladies bag at cash na P5,000 sa mga holdaper.

Matapos maholdap ang mga biktima ay nagsumbong ito sa pulisya kung saan inakusahan si Araneta na kakutsaba nito ang mga holdaper.

“Nagduda ang mga biktima na kakutsaba ang driver kasi wala namang pasahero para tumigil ang driver hanggang sa lumabas ang mga holdper,” ayon kay Binayug.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ni Araneta na itinanggi naman nito na kakilala nito ang mga holdaper.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply