Driver pinagtulungang bugbugin sa Pasay tigok

TODAS ang isang driver nang pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng tatlong lalaki, Biyernes ng madaling-araw, Pebrero 18 sa Pasay City.

Ang biktima na kinilala sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Ernesto Pacotillo, 48, ng Calawitan, San Isidro, Bulacan ay namatay bunga ng mga tama ng saksak at palo sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap 2:20 ng madaling-araw habang naglalakad sa Mahogany st., Bo. Sto. Niño nang salubungin ng tatlong hindi nakilalang suspek na armado ng patalim at dos por dos.

Ayon sa saksi na si Camillie Adami, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at mga suspek hanggang pinagtulungang gulpihin at pagsasaksakin na ang una.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply