Droga sa tinapay iimbestigahan ng Senado

NAALARMA ang Senado kaugnay sa ulat na paghahalo ng ipinagbabawal na droga sa ilang tinitindang tinapay sa pamilihan at agad magsasagawa ng imbestigasyon hinggil dito.

Napaulat na hinahaluan ng opium poppy seeds o itinuturing na ipinagbabawal na droga ang ilang tinitindang tinapay sa pamilihan.

Ayon sa panayam kay Senate Majority Leader Sen. Tito Sotto, nakakaalarma ang kanilang natuklasan na maaring maging positibo sa ipinagbabawal na droga ang isang tao sakaling kumain ng tinapay na may halong opium poppy seeds.

“Today, I alert the nation once again on these poppy seeds. They are not harmless. In fact, after an ingestion of these poppy seeds, one will test positive for opium in a drug test, as found by the Dangerous Drugs Board,” ayon kay Sotto.

Nabatid pa sa pag-aaral ng Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), bukas sa merkado ang pagbebenta ng poppy seeds na hinahalo sa tinapay.

“I want to call attention to this flagrant violation of R.A. 9165 by supposedly reputed stores of high end food and bakery products of selling poppy seeds. I therefore urge all outlets of these poppy seeds to cease and desist from offering these as condiments. It is illegal. I call on law enforcement operatives to include this information in their operations on anti-illegal drug activities,” pahayag pa ng senador.

Maaari ring mapatawag ang Department of Health (DoJ) sa Senado upang makapagpaliwanag. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply