Dropball ‘front’ ng sugalan, di mapatigil

KAHIT hindi fiesta ay may sugal na dropball sa Asingan, Pangasinan.

Mantakin ninyo,  last year pa raw na nag-ooperate ang pasugalang ito. Ang balita natin ay  malakas ang koneksyon ng pasugalang ‘yan sa munisipyo ng Asingan.

Tingnan ninyo, kung hindi ba naman talagang napakalakas sa alkalde ng Asingan ang sugalan na ‘yan. kahit sa harap pa ng  munisipyo ang sugalang iyan ay hindi hinuhuli ng mga otoridad.

Bakit at magkano kaya ang “goodwill” na ibinigay ng operator ng nasabing dropball sa munisipyo?

Basahin natin ang nilalaman ng mga reklamo sa mga text message.

Gud pm, Sir Johnny. Bakit dito sa Asingan, Pangasinan ay may larong dropball na tinatawag nilang sugal. E hindi naman Fiesta at last year pa mayroon ito. Ang nakapagtataka rito ay dito pa mismo sa harap ng munisipyo ang kinalalagyan ng dropball. Sa April pa ang municipal fiesta rito. Malakasan  ang tayaan diyan dahil ultimo bata ay nagugumon sa pagsusugal. Thanks po.

Concerned citizen lang.

Operasyon VK sa Binan di kaya

Sa Biñan, Laguna ay patuloy ang operation ng mga videokarera nina Boy Decena at alyas Mon.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos ang kapulisan ng Biñan sa pamumuno ng hepe nitong si Supt. Joel Pernito.

Imagine, kahit ilang beses na nating pagbabanatan ang  talamak na operation ng mga vk nina Decena at Mon ay di man lamang kumilos ang pulisya para paghuhulihin ang mga vk.

Kaya ang iniisip tuloy ng mga taga-Biñan ay malaki ang ibinibigay na timbre ng magpakner na Decena at Mon sa mga kapulisan.

Kung hindi totoo na naglalagay sa kapulisan ang magpakner, di ba  dapat ay kumilos sila!!!

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo.comJohnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply