Drug case vs talunang mayor ibinasura ng korte

IBINASURA ng Pasig City Regional Trial Court ang kaso laban sa kumandidatong alkalde ng Mandaluyong City dahil sa teknikalidad.

Ayon kay Pasig RTC Judge Abraham Borreta, mahina ang mga edidensiyang inihain ng prosekusyon laban kay Ernest Buan, natalong kandidato sa pagka-alkalde ng Mandaluyong City.

Sa 15 pahinang desisyon, ayon pa kay Borreta, lumilitaw na hindi nakumpleto ng mga arresting officer  ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga kinakailangang dokumento na nakapaloob sa kasong Sec. 21 ng RA 9165 na isinampa laban kay Buan.

Dahil dito, sinabihan ni Borreta ang  prosecution panel na iterminate ang mga iprinisintang ebidensiya ng testigong si PDEA agent John Rico Magdurulang dahil sa hindi nito pagsipot sa huling pagdinig ng RTC sa kaso noong Disyembre 13, 2010 at Jan. 5, 2011.

Matatandaan na si Buan ay tumatakbong kandidato sa pagka-mayor ng Mandaluyong City nang madakip ng mga operatiba ng PDEA sa isang commercial center sa Pasig City noong Enero 29, 2009 at nakuha sa kanya ang 2 plastic sachet ng cocaine na ibebenta sa isang agent na poseur buyer sa halagang P7,000.-Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply