‘Drug mules’ hayaang mabitay – Sotto

TUTOL si Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa panukalang prisoner exchange agreement sa mga  kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ikinatuwiran ng senador na lalabas na pinoprotektahan at kinukunsinti ng pamahalaan ang pagggamit at pagtutulak ng droga ng mga Pilipino  kaya dapat i-exempt sa tratado ang mga drug cases.

“Napakabait sa atin ng China dahil sa naging kaso ng 2 buntis na nahaharap sa kasong drug trafficking na pinauwi na lamang sa Pilipinas at hindi sinentensiyahan ng malaman ng gobyerno ng China na buntis,” ani Sotto.

Ayon kay Sotto, gasgas na ang naturang katwiran na hindi nila alam na droga ang kanilang dala-dala.

Nanawagan naman ang senador sa administrasyong Aquino na maging totoo ito sa orihinal na posisyon ng bansa na hindi pakikialaman ang mga kasong kasasangkutan ng mga Filipino na ukol sa  ipinagbabawal na gamot.

Naniniwala si Sotto na kung mahigpit at matigas ang gobyerno laban sa mga Pinoy na sangkot sa mga drug cases ay mahihinto ang pambibiktima ng sindikato  sa mga Pinoy bilang mga drug mules o biyahero ng mga droga. Vicky Cervales

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply