Drug testing policy sa Kamara dapat nang ipatupad

PANAHON na upang ipatupad sa Kongreso ang “drug testing policy” para makaiwas ang institusyon na muling magkaroon ng panibagong usapin katulad ng kay Ilocos Sur Representative Ronald Singson na nahulihan ng  ilang gramo ng cocaine sa Hong Kong International Airport.

Ito ang nagkakaisang pahayag nina Marikina Representative Miro Quimbo at Aurora Representative Sonny Angara sa Lingguhang Balitaan sa Serye sa Quezon City, Biyernes, Pebrero 4.

Inihayag din ni Quimbo na nagbalangkas na ng bagong alituntunin ang Kamara de Representantes para baguhin ang ilang alituntunin sa Kongreso para mabigyan ng kapangyarihan ang Speaker of the House para maiutos ang drug testing scheme sa miyembro at mga empleyado ng Kongreso, maaaring mandatory o voluntary.

Samantala, sinabi naman ni Angara na mangangailangan ng 189 boto mula sa 283 miyembro ng Kamara bago tuluyang mapatalsik si Singson bilang kongresista.

Nauna rito ay umapela sa liderato ng Kamara si Atty. Clarence Paul  Oaminal, dating Vice Chairman at Undersecretary ng Dangerous Drugs Board (DDB) na aksyunan na ang kaso ni Singson matapos ang naging pag-amin nito sa paggamit ng droga.

Kung hindi aniya mapapatalsik si Singson sa kanyang distrito ay posibleng mabuo sa isipan ng taumbayan na kinukunsinti ng mga kapwa niya ang pagkakasala ni Singson.

Maging ang mga botante ay kinalampag ni Oaminal na kumbinsihin ang kani-kanilang mga kongresista. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply