Druglord ng mga nasibak na parak sa droga nasaan?

INIULAT ng Philippine National Police na may 150 nang miyembro nito  ang nasibak sa serbisyo sa panahon ni Pangulong Noynoy.

Kasama ang mga ito ng nasa 600-700 pulis na may asunto o kaso.

Paliwanag ng PNP, nakararami sa mga nasibak ang sangkot sa droga.

Hindi naman nagpaliwa-nag ang PNP kung ano-ano ang mga kinasasangkutang problema sa droga ng mga parak.

Basta ang sinusunod na patakaran ay basta nasangkot sa droga ang isang parak, hindi siya sasantuhin ng PNP.

Karaniwan kasing klase-klase ang pagkakasangkot sa bawal na gamot.

Merong user, merong may hawak lang o possession ng droga, may tulak, may gumagawa o manufacturer, may kasabwat o protektor ng mga druglord, may druglord mismo, may miyembro ng mga international drug syndicate at kung ano-ano pa.

Meron namang mga nambabangketa lang.

Yun bang === aarestuhin ka, tapos tatamnan ka ng droga at sa huli, peperahan o kokotongan ka.

Sa anong klaseng krimen sa droga nasasangkot ang mga pulis?

Isa pa, hangga’t hindi pinapublish ng PNP ang buong ngalan ng mga nasibak kunong mga pulis, duda ang mamamayan dito.

Kaya nga, dapat na kung mag-ulat ang PNP ukol sa mga kriminal na parak ay magpalabas sila ng mga ebidensiya sa media.

Hindi yung bibilangan ka ng kanilang mga sinibak sa serbisyo.

Sinasabi natin ito dahil may mga kasong press release lang ang sibakan na ito at pinagtatawanan mismo ng mga parak ang mga balita natin sa diaryo, radyo, telebisyon, internet, etc.

PNP Director General Raul Bacalzo, ano ang masasabi niyo?

oOo

I read your column regarding Franklin Corpus who was off-loaded in a Qatar flight. Granting he lacked pre- departure orientation or he does not have OEC – overseas employment certificate, wala na bang karapatan ang isang tulad niya na mag-attend ng training? I am also like Franklin and I just wonder how much dollars did the BI agent ask from Franklin and…if he did not give the amount? Ang daming buwaya sa airport.                     0926935

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply