Dugo’s Paramour nanilat sa pista

SINILAT ni Dugo’s Paramour ang naliyamadong sina Poppy’s Diamond at Hold That Cat upang sungkitin ang added prize na P15,000 sa naganap na Three-year-old Condition Race sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Nakipagsabayan sa tulin ng mga kalahok si third choice Dugo’s Paramour upang sa pagtawid ng meta ay makalamang ito ng apat na kabayo ang distansya sa nasegundong si Hold That Cat sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

“Sabi ko noong nasa huling kurba may pag-asang manalo kasi nakatagal kami sa unahan kaya pagdating sa last 100 meter ginawa ko lahat ang magagawa ko para mauna kaming tumawid ng meta.” masayang pahayag ni class C rider AP Asuncion.

Nakapagtala ng tiyempong 1:09 sa 1,100 meter race si Dugo’s Paramour na pag-aari ni Zandy Javier habang si RR Yamoco ang naghanda sa nasabing kabayo.

Si Poppy’s Diamond ang naliyamado sa laban subalit dumating lamang ito sa meta ng pang-apat habang pumangatlo si El Bimbo.

Samantala, ginulat ng pangalawa sa dehadong kabayo na si Airway ang mga liyamadista matapos itong manalo sa isa pang Three-year-old race.

Kagaya ni Dugo’s Paramour ay nakapagsubi din ito ng P15,000. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply