Eala kumalas na sa SBP

MALUNGKOT na iniwan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Noli Eala ang grupo sa hindi malinaw na dahilan.

Dahil dito, iba na ang mamamahala sa SBP makaraan ang biglaan niyang pagbibitiw sa posisyon na matagal  niya ring hinawakan.

Ang pagbibitiw ni Eala ay naganap ilang buwan matapos mabunyag na siya ay sisipain na bilang pinuno ng nasabing organisasyon.

“It is with deep regret that I announce my decision to formally resign as executive director of the SBP. My decision to relinquish my post is to enable me to return to the corporate world where new opportunities have recently been opened up to me,” pahayag ni Eala. “My resignation will take effect after a 30-day transition period to ensure the smooth and orderly turnover of my functions to my replacement.”

Lumalakas naman ang alingasngas na papalit sa iniwang posisyon ni Eala si dating PBA star at ngayon ay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Chito Loyzaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply