Echeverri kinasuhan ng Comelec

IPINAGHARAP na ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong kriminal si Caloocan City Mayor Enrico ‘Recom’ Echiverri sa Caloocan City Regional Trial Court nitong Lunes, Pebrero 21.

Nilabag umano ni Echiverri ang Fair Elections Act dahil sa paggamit ng oversized posters sa pangangampaniya noong May 2007 elections.

Sa pitong pahinang resolusyon ng Comelec en banc, ipinag-utos ang pagsasampa ng kaso laban kay Echiverri dahil sa paglabag sa Republic Act 9006 (Fair Elections Act) in relation to Comelec Resolution 6520 o Implementing Rules ng nasabing batas.

“Wherefore, premises considered, let the Law Department file an Information against respondent for violation of Sections 3 and 9 of Republic Act No. 9006 in relation to Sections 10, 11, 24 and 25 of Comelec Resolution No. 6520,” bahagi ng resolusyon na nilagdaan nina Commissioners Nicodemo Ferrer, Rene Sarmiento, Lucenito Tagle, Armando Velasco at Elias Yusoph.

Tanging si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. ang hindi nakilahok sa botohan.

Sa rekord ng Comelec, si dating Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio Jr. nagreklamo laban kay Echiverri.

Ayon kay Asistio, noong Abril 26, 2007, kanyang napansin na malalaki ang billboard at streamer ni Echiverri na lamugpas sa pinapayagang sukat na 2×3 talampakan lamang, alinsunod sa Fair Elections Act at Omnibus Election Code.

Nakasabit din umano ang mga ito sa lugar na hindi sakop ng itinatakdang common poster areas ng Comelec.

Paliwanag naman ni Echiverri,ang kinukuwestiyong poster ay hindi individual posters dahil kasama dito ang lahat ng kandidatong kabilang sa kaniyang partido, sakop na raw ito ng 12×16 feet limitation at hindi ng 2×3 feet maximum size para sa individual posters.

Mariin din itinanggi nito na nakalagay ang mga posters sa mga public schools, aniya, nakapuwesto ang mga poster nila sa mga pribadong ari-arian.

Inimbestigahan na  ng Comelec Law Department ang reklamo at inirekomendang may paglabag na nagawa ang alkalde, na in-adopt naman ng poll body.

“What respondent did was a clear attempt at circumventing the law by compressing the names of his running mates in the local elections so that he can have his name printed as largely as possible and thus maximizing the 12×16 limitation for each common poster area per political party,” bahagi ng desisyon.

“Granting arguendo that the size of respondent’s posters and streamers complied with the law, political parties are allowed only a maximum of 10 common poster areas. In the case at bar, respondent utilized, among other public places, 11 public schools as illustrated in the pictures submitted,” dagdag pa ng resolusyon. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply