Ruben Ecleo ilalaglag na ng Kamara

HAHAYAAN na lamang ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aresto kay Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo.

Ito ay matapos na hatulan ng Sandiganbayan ng 18 taong pagkakulong at diskwalipikasyon sa paghawak ng anomang pwesto sa  gobyerno bunsod ng tatlong  kaso nitong graft noong alkalde pa siya sa isang bayan ng kanyang distrito.

Ayon kay House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, maaari nang arestuhin anomang oras si Rep. Ecleo dahil wala nang kailangang gawin pa ang liderato  ng Kamara sa miyembro nito na convicted sa kasong kriminal.

Nilinaw ng Speaker na  wala na ring parliamentary immunity si Rep. Ecleo na siyang sasalag sana sa pagka-aresto nito.

Sinabi ni Belmonte na  hihintayin na lang nila ang kopya ng naging desisyon  ng Korte Suprema hinggil sa kaso ni Ecleo at wala silang  hakbang para hadlangan ang pagka-aresto nito.

Tanging ang mas mababa sa anim na taong hatol sa kaso ang siyang magagawaran ng parliamentary  immunity kaya hindi na maililigtas pa sa pagka-aresto ang nasabing mambabatas.

Ayon naman kay House Majority Leader Neptali  Gonzales, kailangan lang nilang matanggap ang certificate of finality para sa kanyang conviction para tuluyan na siyang matanggal sa Kongreso.-Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply