Ecleo sisipain sa Kamara

NAKATAKDANG sipain na sa Kamara si Rep. Ruben Ecleo, Jr. ng Dinagat Islands.

Ito ay bunsod sa lumabas na desisyon ng Sandiganbayan na conviction sa tatlo niyang kaso ng graft noong alkalde pa siya sa isa sa mga bayan ng Dinagat Islands.

Hinatulan si Ecleo ng 18-taong pagkakakulong, diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang pwesto sa gobyerno.

Ayon kay House of Representatives Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzeles, kailangan lang nila matanggap ang certificate of finality para sa kanyang conviction  upang tuluyan na siyang matanggal sa Kongreso.

Mawawala rin ang immunity ni Ecleo dahil ang hatol sa kanya ay higit sa anim na taong pagkakabilanggo.  Marjorie Dacoro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply