EDSA 1 at mga OFW

HINDI dapat na pumikit ng mata kahit saglit lang sina PNoy ukol sa nagaganap na mga people power sa mga Arabong bansa.

Nagkakagulo sa Libya, Bahrain at Yemen sa kagustuhan ng mga mamamayan doon na palitan ang kanilang mga namumuno.

Sa gitna ng mga ito ay ang libo-libong overseas Filipino worker na naiipit sa mga labanan at patayan.

Ang Libya ang may pinakamatinding kaguluhan lalo’t kumikilos ang militar nila para depensahan ang kanilang pinunong si Kadafi.

May mahigit na umanong 200 kataong namatay sa mga labanan  habang tumataas naman ang bilang ng mga  namamatay sa Bahrain habang wala pang naiuulat na nasawi sa Yemen.

Sa Libya, mismong ang mga dayuhan at obrero nilang OFW ang tumatakas at walang nakaaabot sa kanila na tulong ng ating pamahalaan.

oOo
Sabi nina PNoy, naglaan na sila ng nasa P50 milyon para sa paglilikas ng mga OFW. Ang tanong, eh, sapat ba ito sa dami ng mga OFW? Nasaan ang mga tauhan ng pamahalaan sa mga lugar na ito para tumulong?

Oki naman ang pagbabawal ng pagpunta ng mga OFW sa nasabing mga bansa sa mga panahong ito.

Pero higit na mahalaga ang pagliligtas sa anomang paraan ng mga OFW na napag-alamang hindi naaabot at natutulungan ng mga tauhan ng ating mga embahada o konsulado.  Dapat na sama-samang kumilos ang mga nanunungkulan sa pagliligtas sa mga OFW.

At kung makauwi naman sila sa sarili nating repablik, paano ang ikabubuhay ng mga ito? Dito rin dapat na maglaan ang pamahalaan ng sapat na pondo na pupuwedeng panlunas sa magiging problema ng mga ito.

Dapat ding maalalayan ang mga OFW sa iba pa nilang pangangailangan.

Sa mga aksyon na ito mabibigyan ng kahulugan ang pagselebra natin ng sarili nating People Power.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply