EDSA 1, petrolyo, kuryente at gutom

HULING araw ngayon ng paggunita sa People Power 1 o EDSA 1.

Habang tuwang-tuwa sa EDSA 1 ang mga yumaman o nanatili sa poder o antatsabol makaraang mapalayas sa trono si Manong Ferdie noong Pebrero 25, 1986, nananatili namang hilahod sa hirap si Juan.

oOo

Kapain natin ang kalagayan ng lahi ni Juan.

Gaano karami sa palagay ninyo ang mga nabubuhay sa pagmamaneho ng mga pampasaherong sasakyan?

Hindi ba milyon ang bilang ng mga drayber ng traysikel, multicab, dyipni, kuliglig,  ba-by bus at iba pa?

Gaano karami ang mga magsasaka na nagdispatsa na ng kalabaw o baka na gamit sa pag-araro at gumagamit na ng makina, kasama na ang mga gumagamit ng mga dip wel para sa patubig?

Gaano karami ang mga mangingisda, kabilang na ang mga barkong pangisda?

Marami sa kanila ang sumama sa EDSA 1 noon o nakisimpatiya kaya sa pamamagitan ng mga telepono, radyo, diaryo, telebisyon at iba pa.

Pero walang pagbabago sa kanilang hirap na hirap na buhay at humihirap pa nga dahil sa sobra nang mahal ng mga produktong petrolyo.

oOo

Ang masama pa, Suki, pagdating nila sa kanilang bahay para magpahinga sana sila makaraan ang kanilang pamamasada, pagsasaka at pangingisda, nagugulat na lang sila sa pagdating ng mga bill sa kuryente na pinakamahal na pala sa buong Asya.

Sinasabi mismo ni Cong. Ben Evardone na nakapagtatakang mas mahal na ang kuryente sa repablik ni Juan kaysa sa Japan, Singapore at Malaysia.

Ano ang nangyari sa pribatisasyon ng kuryente na bunga ng People Power o EDSA 1?

Bakit nagiging sumpa na ito sa buhay ni Juan?

Sa nangyayari ngayon, nililimot nang bayani si Juan, para pa siyang kinukulam.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply