EDSA celebration pangungunahan ni PNoy

PUNUNG-PUNO ang aktibidad ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III sa pangunguna nito sa paggunita ng bansa sa ika-25 taon anibersaryo ng EDSA People Power Revolution Biyernes, Pebrero 25.

Ang “engrandeng” selebrasyon ay itinuturing din na makasaysayan dahil ang mismong ng kampyon ng demokrasyang sina dating Senador Ninoy Aquino at dating Presidente Cory Aquino na si PNoy  ang mangunguna sa mga inilatag na maghapong kasiyahan.

Eksaktong ika-7:30 ng umaga ay pamumunuan ng pangulo ang flag-raising ceremony sa People Power Monument sa EDSA kasama ang 17 mayors ng Metro Manila at mga pangunahing personalidad noong EDSA 1 na naganap noong 1986.

Gagawaran si Aquino ng full military honors na may kaakibat na 21-gun salute sa pagdating palamang nito sa naturang bantayog.

Sasamahan naman ang Chief Executive nina Vice President Jejomar Binay, dating Presidente Fidel Ramos, Senate President Juan Ponce-Enrile, Speaker Feliciano Belmonte, Jr., at Executive Secretary at EDSA People Power Commission (EPPC) Chairperson Paquito Ochoa, Jr. sa pagpapalipad ng magkakabit na mga lobo na may disenyong bandila ng Pilipinas.

Magtutungo rin si Aquino sa Rizal Park upang mag-alay ng bulaklak sa bantayog ng kanyang ina at pasinayaan ang monumento ni Jaime Cardinal Sin na prominente rin sa kampanya sa pagpapatalsik sa kapangyarihan ng dating diktador Ferdinand Marcos.

Pangungunahan din ng Pangulo ang pagpapasinaya ng historical site marker sa harapan ng POEA building dakong alas-11:00 ng umaga kung saan mismong nagtalumpati si Cory Aquino noong kasagsagan ng EDSA revolt noong 1986.

Sasaksihan din nito ang muling pagsasadula ng makasaysayang “Salubungan” na pangungunahan ang martsa nina FVR, dating Senador Butz Aquino at EDSA key players.

Habang magtatapos ang kasiyahan sa pamamagitan ng Live Variety Show na magsisimula dakong alas-6:00 ng gabi sa kahabaan ng White Plains Avenue na tatampukan ng mga sikat na bituin ng entertainment industry na kinabibilangan nina EEPC Commissioner Ogie Alcasid at misis na si Regine Velasquez, Presidential Sister Kris Aquino, international pop icon Appl de App, Dingdong Dantes at maraming pang iba. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply