EDSA sinayang ng mga Pinoy – Villegas

SINAYANG lang ng mga Pinoy ang 1986 Edsa People Power Revolution.

Ito ang sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, sa kaniyang homiliya sa isang Banal na Misa na idinaos kasabay ng pagdiriwang ng silver anniversary ng Edsa People Power sa Edsa Shrine.

Ayon kay Villegas, maraming dapat na ipagpasalamat ang tao dahil sa EDSA People Power Revolution kung saan nakamit muli ng mga mamamayan ang demokrasya ng bansa na matagal na ipinagkait ng diktaturyang Marcos.

Gayunman, mistula aniyang sinayang lamang ng mga mamamayan ang naturang makasaysayang pangyayari dahil hanggang ngayon ay marami pa ring pandaraya at korapsiyong nagaganap sa bansa.

Hindi rin pinagligtas at mariing binatikos ni Villegas ang pagsusulong ng reproductive health bill, gayundin ang dayaan sa mga halalan sa bansa at ang korapsiyon sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“The twenty fifth year of Edsa gives us reason to thank the Lord and thank the millions of Filipinos who brought four shining days of glory to the history of our beloved country. But our joy and thanksgiving are mixed with frustration and disdain. As we say Salamat, we also shake our heads and strike our breasts with heads bowed and say: Sayang!”  ani Villegas.

Sa kabila naman nito, umaasa pa rin ang arsobispo na sa mga susunod na panahon o hanggang sa pagdiriwang ng golden anniversary ng EDSA ay maipagdiriwang ng mga Pinoy ang EDSA hinggil sa tunay na diwa nito.

Aniya, kasabay ng silver anniversary ng EDSA People Power, ay dapat na buhayin ng mga Pinoy ang panatang makabayan at piliin ang tamang landas.

“As it was in 1986, so it is now. We are at the crossroads again. It is time again to make choices—right choices, moral choices, fearless choices, selfless choices. Buhayin natin ang panatang makabayan. Ibigin natin ang Pilipinas sa isip, sa salita at sa gawa!” bahagi ng homiliya.

“How will it be when Edsa celebrates its golden year twenty five years from now? It is not enough to be less corrupt. By that time, we must be incorrupt and incorruptible. I hope when Edsa people power celebrates its fiftieth year, campaign promises to fight corruption will not be necessary anymore because each one of us would have made a firm stand for integrity and character,” aniya pa.

Iginiit ni Villegas na hindi makakayang mag-isa ni PNoy na baguhin ang bansa dahil ang pagbabago aniya ay dapat na magmula sa bawat Pinoy.

“The change that we dream cannot come from that one man whom we now call President Noy. The change must come from everyone. He leads us by example. Let us follow his example,” dagdag pa ng arsobispo. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply