Edu Manzano hindi lilipat sa TV5

MANAGER na mismo ni Edu Manzano ang nagsabi sa amin na walang katotohanan na lilipat ng TV5 ang actor.

Wala raw silang natatanggap na offer sa TV5 at saka may kontrata si Edu sa GMA-7. May project na raw na napagkasunduan ang actor at GMA-7 management na gagawin matapos ang one season morning game show ni Edu.

Ayaw pa i-reveal ng manager ni Edu kung anong klase ang bagong show ng actor, but for sure ay masaya ang dalawang panig sa napag-usapan.

Lumabas kasi ang isyung lilipat na rin si Edu sa TV5 nang mailathala na gagawa ng show si Vilma Santos sa Kapatid network at pagsasamahin sina Edu at Ate VI.

Sinabi na rin ng manager ni Edu na walang nangyaring problema between Edu at GMA-7 management kaya tuloy ang paggawa ng show ng actor sa Kapuso Network.

Anne Curtis binigyan ng isang set ng amethyst jewelry

SINABI ni Anne Curtis sa ginanap na presscon ng “Who`s That Girl” na naka-move on na siya mula nang mawala ang binili niyang David Yurman ring sa Hong kong Duty Free sa eroplano ng Cathay Pacific Airlines.

Nangako na raw ang nasabing airline na bibigyan siya ng kompensasyon para sa nawalang singsing na gustong-gusto niya.

“Kahit paano kinausap muli ako ng Cathay Pacific at handa silang palitan ang nawala sa akin,” say ni Anne na super ganda ngayon.

Nangyari ang pagkawala ng singsing ni Anne sa nasabing airlines Last Monday ng gabi nang lumapag ang sinasakyan niya sa Ninoy Aquino International Airport mula Hong Kong lulan ng Cathay Pacific Airlines Flight CX 905.

Nakuha ng crew ang jewelry box sa kanyang upuan pero wala na ang singsing. Nangako naman ang nasabing airlines na iimbestigahan ang insidente.

Samantala, inihayag ni Anne ang kasiyahan nang bigyan siya ng Pandora ng isang set ng amethyst jewelry bilang pamalit sa nawala niyang singsing.

‘Si Ate Rhian ang bagay kay Kuya Richard’— Jillian

SA ISANG panayam ay tinanong ang child wonder na si Jillian Ward ng press kung paglaki niya ay gusto ba niyang maging leading man si Richard Gutierrez?

Sagot ni Jillian na walang malisya ay ayaw niyang maging leading man si Chard dahil kuya raw niya ito.

Sabi nga ang bata ay hindi puwedeng magsinungaling kaya nang tanungin muli kung sino sa apat na leading ladies ni Chard sa My Valentine Girls na sina Solenn Heusaff, Lovi Poe, Rhian Ramos at Eugene Domingo ang sa tingin niya ay bagay kay Chard?

Walang kagatol-gatol na sagot ni Jillian: “Si Rhian (Ramos). Bagay po sila.”

Kaya lang marami ang nakapansing press kay Chard na tuwing may itinatanong sa kanya tungkol sa kanila ni Solenn ay kinukunsulta muna niya ang Brazilian beauty kung ano ang isasagot.

Tulad ni Rhian na puwede lang niyang maitsika ay episode nila ni Chard na romance/comedy titled Soulmates. Sina Lovi at Solenn magkasama sa episode ng BBFF (Best Boyfriend Forever) at si Eugene naman sa Gunaw.

Pero sabi ni Chard, ang dapat abangan sa movie ay ang pagsasama-sama nilang lahat sa isang eksena at super excited na rin siyang mapanood ang movie dahil ito ang kauna-unahan movie ginawa niya na tatlong episode at apat pa ang leading ladies.  Gerry Ocampo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply