Effigy ni PNoy susunugin sa walk-out ng mga estudyante

MAGSUSUNOG ng effigy ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang mga militanteng estudyante sa isasagawang nationwide walkout ngayon, Lunes, Pebrero 28.

Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), ang nationwide campus walkout ay protesta laban sa pagtaas ng presyo ng iba’t ibang pasahe, tuition at mga bilihin.

Kabilang sa mga sasama umano sa kilos-protesta ay ang mga estudyante mula sa University of the Philippines (UP), Polytechnic University of the Philippines (PUP), Philippine Normal University (PNU), Eulogio Amang Rodriguez Institute for Science and technology, Rizal Technological University (RTU), University of the East (UE), Philippine School for Business Administration (PSBA), Technological Institute of the Philippines (TIP), Jose Rizal University (JRU), Lyceum University of the Philippines (Lyceum), Adamson University (AdU) at Far Eastern University (FEU).

Alas-onse ng umaga ay magsisimula ang nationwide walkout at dakong-dose ng tanghali ay mag-iipun-ipon ang mga estudyante sa Taft ave., Maynila sa harap ng PNU.

Samantala, ang mga magmumula sa mga pamantasan sa “university belt” at Quezon City ay magkikita-kita sa harap ng University of Santo Tomas (UST)

Magmamartsa ang mga estudyante papuntang Mendiola para sa isang programa ukol sa nasabing protesta ng 12:30 ng hapon, kung saan isasagawa ang pagsusunog ng effigy ng Pangulo.

Kasali rin sa nasabing kilos-protesta ang mga paaralan at pamantasan sa rehiyon ng Ilocos Sur, Baguio-Benguet, Laguna, Palawan, Pampanga, Cebu, Iloilo, Tacloban, Bacolod, Davao, North Cotabato at Butuan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply