Eleksyon sa ARMM isinulong na ipagpaliban

SUPORTADO ng may 50 mambabatas ang panukalang pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para isabay na lamang sa 2013 national elections.

Ito ang nais na mangyari nina Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema at Akbayan Rep. Kaka Bag-ao sa kanilang inihain na House Bill 4146 .

Nakasaad sa Section 2 ng panukala na ang panunungkulan ng ARMM officials ay kaalinsabay ng national at local officials simula June 30, 2013 hanggang June 30, 2016.

Sa kasalukuyan, ang termino ng ARMM officials ay nagsisimula ng September 30.

Sa panahon ng transitory period, iminumungkahi nina Sema at Bag-ao na ang Pangulo ng Pilipinas ang siyang hihirang sa mga uupong opisyal ng ARMM.

Ang maitatalagang officer-in-charge ng ARMM ang siya namang magrerepaso sa ARMM Organic Act at magsusumite ng rekomendasyon sa Kongreso para sa pagpapatupad ng Tripoli Agreement at 1996 Final Peace Agreement.  Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply