Emergency power di kailangan ni PNoy

HINDI na umano kailangan pa ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ng emergency power upang tulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng krisis sa Libya.

Kaugnay nito, mariing tinutulan ni Pampanga Auxiliary Bishop Roberto Mallari ang panukala ng ilang kongresista na pagkalooban ng ‘emergency power’ si Pangulong Aquino.

Paliwanag ni Mallari na hindi naman kailangan ng Pangulo ng emergency power dahil sapat naman ang kapangyarihan nito para pakilusin ang kanyang mga tauhan.

“Sa aking palagay, I don’t even see the connection the moment nitong panukalang pagbibigay nila ng emergency o special power sa Pangulo, maliban na lamang siguro sa pagkontrol ng langis sa bansa oras na lumala ang sitwasyon sa Libya,” ayon pa kay Mallari, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo, sa halip na emergency power, mas makabubuting bumuo na lamang ng crisis management team si PNoy, na siyang tututok sakaling tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Kyle Gatus

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply