Empleyado ng DBP tinambangan sa Makati

DEAD-on-the-spot ang isang empleyado ng Development Bank of the Philippines (DBP) nang tambangan ng dalawang armadong lalaking nakaangkas sa motorsiklo Biyernes ng umaga sa Makati City.

Ang biktima, na kinilalang si Roldan Hernandez, ay namatay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nangyari ang insidente bandang 7:20 ng umaga sa kanto ng Zapote st. at Kalayaan ave. sa naturang lungsod.

Papasok na sa kanyang opisina ang biktima sakay ng kanyang minamanehong kotse nang sumulpot ang mga suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply