Enchong Dee, gustong ahasin ni Bianca Manalo kay Kim Chiu

HINDI naniniwala ang ilan sa pahayag ng beauty queen na si Bianca Manalo na hindi niya planong ahasin o makipag-relasyon kay Enchong Dee dahil sila ay magkaibigan simula pa noon.

Kaya natatawa ang beauty queen sa mga naglabasan na balita at bakit naman daw niya aahasin itong si Enchong kay Kim Chiu na nababalitang dyowa ng friend niyang si Enchong.

Wala daw katotohanan ang tsika.  Samantala bukod naman kay Bianca ay may isa pang gustong matikman ang kamachuhan ni Enchong.

Yes, wala namang kagatul-gatol na tulo-laway daw talaga itong vaklushi na si Mr. Fu dito kay Enchong at type na type niya ang binata.

Kaya naman pinapag-ingat naman si Kim sa dalawang ahas na may maitim na balak na agawin sa kanya itong si Enchong.

May mga tanong. Sila na ba ni Kim?  Kung totoo man, dapat doble ingat itong si Kim, dahil dalawa ang kanyang kalaban kapag nagkataon,  isang girl at isang gay.

Ganun ba talaga kaguwapo ni Enchong at talagang pinag-aagawan?

Tikom naman ang bibig ng kampo ni Kim hinggil sa tsika na dalawa ang nagnanais na ahasin ang kanyang rumored bf.

Abangan!

MARY GRACE, HAPPY SA PAGBABALIK-TELEBISYON NG INANG SI SUSAN

HAPPY naman si MTRCB Chairman Mary Grace Poe Llamanzares sa pagbabalik telebisyon ng kanyang ina na si Susan Roces na matagal-tagal ding namahinga sa paggawa ng mga project at happy si Grace at  isa ito sa maincast ng Babaeng Hampas- lupa na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga na malapit na itong ipalabas.

Gusto at mahal daw talaga ng mommy ni Grace ang showbiz kaya hinding-hindi ito makakalimutan hanggang ito ay nabubuhay pa, kaya naman suportado ni Mary Grace ang hilig ng ina.

Samantala sa pagiging bagong Chair ng MTRCB ay inamin naman ni Chairman  Grace na itutuloy pa rin daw nito ang pagbibigay ng award na nasimulan na ng dating  MTRCB chairman na si Consoliza Laguardia.

Pero hindi na daw magarbo ang gagawing paggagawad parangal para sa nararapat na mga artista na talagang may K mabigyan ng MTRCB awards.

Isang Certificate of Appreciation na lang ang ibibigay ng ahensiya sa mga deserving na mapipili ng MTRCB na mananalo na artista.

Tuloy pa rin naman daw ang pagbibigay ng awards at hindi naman daw ito ititigil kaso lang may pagbabago sa dating kinagawian na pagbibigay award.

Inamin din ni Mary Grace na hindi biro ang pagre-review ng napakaraming pelikula bukod doon ay dami ng kanyang paper works. Pero sa kabilang banda ay happy na happy si Mary Grace sa kanyang posisyon bilang Chair ng MTRCB. Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply