Endangered animals kinumpiska sa Pasay

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office ang iba’t ibang uri ng endangered animals makaraang salakayin ang isang pet shop sa Pasay, Linggo Pebrero 20, Linggo ng umaga.

Ayon kay Pasay City Veterinary Office Chief Dr. Ronal Vernasor nakatanggap umano sila ng report na ang nasabat na hayop ay mula pa sa iba’t ibang lalawigan at palihim na dinadala sa pet shop sa Cartimar shopping center, Leveriza st.

Nakumpiska ng awtoridad ang limang Philippine Iguana, limang Scorpion, isang Lawin, iba’t ibang klase ng ahas at imported na tuko.

Sinabi ni o Vernasor,  matagal na nilang minamanmanan ang naturang bentahan kaya agad silang nagsagawa ng operasyon laban dito.

Sa ginawang pagsalakay agad na nakatakas ang mga tindero sa pet shop nang matunugan ang gagawing pagsalakay ng mga tauhan ng PCVO.

Ang mga nakumpiskang hayop ay dadalhin  Pasay Veterinary Office  sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply