Enrile: Dapat maging mahinahon sa pagtatanong ang mga mambabatas

ANG pagpapakamatay ni dating Armed Forces chief Angelo Reyes ay isang malaking leksyon sa mga mambabatas kung paano ang wastong pagsasagawa ng imbestigasyon, ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa kanyang pagdalaw sa burol ng dating heneral sa Camp Aguinaldo sa Quezon City Biyernes, sinabi ni Enrile na kailangang maghinay-hinay sa pananalita at pipiliin na ang gagamiting salita sa pagtatanong sa mga testigo sa Senado.

Ayon kay Enrile, tumataas ang temperatura ng kanyang mga kasamahan sa Senado na nag-iimbestiga kay Reyes kaya’t nakakapagsalita ito ng hindi maganda sa mga resource persons tulad ni Reyes.

“Malaking leksyon ang pangyayaring ito,” ayon kay Enrile patungkol sa pagpapakamatay ni Reyes.

Aniya, dapat nang maging mahinahon ang sinumang miyembro ng Senado sa pananalita, partikular ang tono ng pagtatanong sa mga resource persons upang hindi sumama ang loob ng mga ito. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply