Enzyme technology gagamitin sa pagtunaw sa 8,000 toneladang basura

NAGSANIB puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Science and Technology (DOST) sa paglikha ng bagong teknolohiya upang malabanan ang nakakasamang kemikal sa higit 8,000 toneladang basurang itinatapon kada araw sa Kamaynilaan.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ang DOST ang naatasang mag-develop ng “enzyme technology” na tutunaw sa mga masamang kemikal sa basura na nakokolekta ng ahensya sa landfills.

Isa ring posibilidad na pinag-aaralan ng dalawang ahensya ang paggamit ng mga halaman na kayang sumipsip ng mga kemikal at iba pang masamang organismo sa tubig.

Maaari umanong gamitin ang naturang mga halaman sa mga natural na daluyan ng tubig tulad ng Ilog Pasig para malabanan ang polusyon.

Sinabi ni Tolentino na araw-araw ay nangongolekta sila ng libo-libong toneladang basura na nagtataglay ng mapanganib na kemikal lalo na iyong mga galing sa pabrika.

Ang naturang mga hakbang ay nakatuon sa layunin ng MMDA na bawasan ang polusyon sa kalikasan.   Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply