Epekto ng La Niña tatagal hanggang Abril

MAGPAPATULOY hanggang Abril ang nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang parte ng bansa, ito ang kinumpirma ng Philippine Asmostpheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, maaaring maging triple ang pagbuhos ng ulan kumpara sa nararanasan nitong mga nagdaang araw.

Naitala ng PAGASA ang 300 percent increase sa pagbuhos ng ulan sa Surigao City, sa iba pang bahagi ng Caraga region nitong Enero,

Sinabi ni Nathaniel Servando, PAGASA acting administrator na ito ay bunsod na rin ng nararanasang La Niña.

Dagdag pa ni Servando, posibleng tatagal hanggang Abril kaya maaaring makaranas ang Pilipinas ng “wet summer”.

Samantala, inihayag ni Graciano Yumul, Dapartment of Science and Technology (DOST) undersecretary na maaari ring makaranas ng mas malalakas na bagyo ngayong taon kumpara noong 2010.

Naiulat din na hindi lamang ang Pilipinas ang dumaranas nito kundi pati ang ilang bansa sa Asya, tulad ng Australia na nakararanas ng “creeping disaster” sanhi ng climate change.

Kaugnay nito, umabot na sa P37.7 million (P10.5 million mula DSWD at P24 million mula LGUs) ang halagang ginastos ng gobyerno para sa mga biktima ng kalamidad, ito ay ayon kay Dinky Soliman, DSWD Secretary. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply