Equity share ng LGUs sa MRDP, tatapyasan

PLANO ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na gawin na lamang 10% ang equity share ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng Mindanao Rural Development Program (MRDP) upang mapabilis na ang pagkumpleto sa nabanggit na programa.

Tugon ito ni Alcala sa usapin na nahihirapan ang mga lokal na pamahalaan na punuan ang kanilang bahagi sa pagpopondo sa programa kung kaya nagkakaroon pa ng ilang gusot sa pagsisimula nito.

Sinabi ni MRDP program director Lealyn Ramos sa kanyang ulat kay Alcala, pangunahing nakasasagabal sa programa ang paghahati ng pambansang gobyerno at lokal na pamahalaan sa pagpondo dahil lubhang mataas ang 50:50 ratio para sa 4th hanggang 6th class Local Government Units (LGUs).

Bunsod nito, gagawin na lamang na 10% ang equity share ng LGUs at DA na ang magbabalikat ng 40% ng natitira sa pamamagitan ng Co-Financing Agreement (CFA).

Nais din ni Alcala na mapabilis ang implementasyon ng MRDP 2 para mabigyan ng daan ang Phase 3 ng nasabing programa.

May kabuuang pondo na US$123.96 milyon ang MRDP na mula sa pautang ng World Bank at equity share ng pambansang gobyerno at lokal na mga pamahalaan.

Para masimulan na ang mabilis na implementasyon ng programa, itinakda ni Alcala ngayong Marso 31, 2011 ang deadline sa pagsumite ng mga LGU ng kanilang panukala upang makatutok na sa pagpapatupad at makamit ang target na mailabas ang may 60% ng kabuuang pautang.

Alinsunod sa kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at World Bank, sisimulan lamang ang phase 3 ng MRDP kapag nailabas na ang 60% ng kasalukuyang Adaptable Program Loan (APL) ng MRDP 2. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply