Erap, Marcos nakiramay sa pamilya Reyes

NAKIRAMAY ang dating pangulong Joseph Estrada sa mga naulila ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes.

Sinabi ni former president Estarada sa kanyang mensahe na itinuturing pa rin niyang kaibigan si Reyes sa kabila ng pagbaligtad nito sa kanya noong 2001.

Malaki aniya ang naiambag ni Reyes sa kampanya laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanyang administasyon.

“I extend my deepest condolences to the family of Gen. Angelo Reyes. In spite of what happened at Edsa Dos, I will always remember him as a good general who played an instrumental role in our successful all out war against the MILF. I pray for the eternal repose of his soul,” anang mensahe ni Estrada

Matatandang isa si Reyes sa mga opisyal na bumaligtad sa Estrada administration noong 2001 EDSA People Power II na nagpatalsik sa kanya sa kapangyarihan.

Samantala, nagpadala na rin ng mensahe ng pakikiramay ang pamilya ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hiling ni Marcos na sana ay agad nang matuldukan ang anomalya sa alinmang ahensya ng pamahalaan, na nagiging dahilan kaya maraming buhay ang nasisira. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply