Enrile nanindigan sa pabaon probe

HINDI mapipigilan ng pagpapakamatay ni dating Armed Forces chief Angelo Reyes ang imbestigasyon sa talamak na katiwalian sa militar, ginit ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Enrile, kailangang matuldukan ang isyu ng korapsiyon na nagbigay daan sa pagbubulgar ng mas malawak na katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang ang sistema ng payola, pabaon at paglulustay ng pondo para sa suweldo at pondong ibinigay ng United Nations (UN).

Bagama’t mahigpit na ikinalungkot ni Enrile ang pagkamatay ni Reyes, hindi aniya ito mangangahulugan na isasantabi niya ang paghahanap ng kasagutan sa talamak na katiwalian sa militar.

Ipinagtanggol din ni Enrile ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III saka inihalimbawa ang pagharap nito sa imbestigasyon ng Senado noon sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Aniya, inakusahan siya ng korapsiyon at illegal na pagbili ng ari-arian sa Estados Unidos, pero hinarap niya ang lahat at napatunayan naman na hindi salapi ng gobyerno ang ipinambili ng bahay at lupa.

Nilinaw din ni Enrile  na hindi niya sinasabing may kinalaman si Reyes sa mga akusasyon pero napakasimple lang naman daw ng sagot sa komite na pwede niyang itanggi o aminin.

Sa Pebrero 18 muling itinakda ang pagdinig na pansamantalang ipinagpaliban bilang pakikidalamhati naman sa pamilya ni Reyes. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply