Estilo sa pag-iimbestiga ng korapsiyon sa AFP babaguhin

TULAD nang inaasahan, babaguhin ng Senate Blue Ribbon committee ang estilo sa pag-iimbestiga ng katiwalian at korapsiyon sa pamahalaan partikular ang talamak na pabaon system sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Senator Franklin Drilon na bukas ang kanyang kaisipan na baguhin ang ilang estilo o sistema ng pagtatanong sa resource persons na umaani ng batikos at itinuturing na dahilan sa pagpapakamatay ni dating Department of National Defense chief Angelo Reyes.

Aniya, hindi naman dapat lahat ng patakaran at estilo sa imbestigasyon ang dapat baguhin tulad ng masusing pagtatanong ng ilang senador sa mga resource person dahil may gustong malaman ang isang mambabatas sa isyung pinatutungkulan.

Ipinaliwanag pa ni Drilon na kailangan nang limitahan ang pagtatanong upang hindi masyadong “magisa” ang isang resource person tulad nang ginawa kay dating Ltr. Gen. Jacinto Ligot at Garcia na “nagmantika” sa harap ng kamera habang iginigisa ni Sen. Jinggoy Estrada.

“Ang pagtatanong hindi mo kailangang lagyan ng limitasyon. Sa akin, sa mga komite na ako ang chairman, aking pinapakiusapan na pagbibigyan ang lahat ng senador kung may ibig itanong. Siguro unang round, pangalawang round, pero hindi mo pwedeng limitahan ang tanong ng isang senador kung meron siyang kailangang malaman. Yung pagtatanong, that’s addressed to the discretion of the senator how he would conduct herself in the interest na mailabas ang katotohanan sa hearing na ito,” aniya.

“Wala sa akin yan. Sa akin, kung kailangan ang pagbabago, baguhin natin,” patapos ng senador. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply