Estrella-Pantaleon Bridge pinasinayaan na

INAASAHANG mababawasan na ang sikip ng trapiko sa pagbubukas ng bagong tulay na nag-uugnay sa mga lungsod ng Mandaluyong at Makati.

Ang tulay na tatawaging Estrella-Pantaleon Bridge ay ginastusan ng pamahalaan ng halagang P303.655 milyon. Ang tulay ang sagot ng pamahalaan sa problema ng nagsisikip ng trapiko sa Metro Manila partikular sa Guadalupe at Makati-Mandaluyong bridge.

Naglagay din ng mga poste ng ilaw para sa ligtas na pagmamaneho ng mga motorista na dumadaan sa dalawang lungsod.

Dumalo sa pasinaya Sabado ng umaga, Pebrero 12, sina Vice President Jejomar Binay, Makati Mayor Jun-Jun Binay, Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, Publi Works and Highway Secretary Rogelio Singson at Austrian Ambassador to the Philippines Wilhelm Donko.

Ang bansang Austria ang nag-supply ng mga steel modular components ng tulay na magtatawid sa mga motorista sa Pasig River. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply