Estudyante at guro sa MSU dinukot

NAGSANIB ng puwersa ang pulisya at militar upang mahuli ang grupong dumukot sa isang faculty member at estudyante ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, Lanao del Sur.

Nagsasagawa na ng manhunt operation simula ngayon, Lunes, Pebrero 21, upang tugisin ang mga salarin sa pagdukot kina Cris Neil Gulfan, 24, faculty member ng Al Khawirizmi International College, at Aubrey Virtudez, 19, estudyante ng MSU main campus, kumukuha ng kursong BS Information Technology.

Ayon kay Lt. Col. Randolph Cabangbang, spokesman ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines a(AFP), sapilitang isinakay ng mga salarin sa isang sasakyang Isuzu Hilander na kulay maroon ang dalawang biktima sa loob mismo ng naturang eskuwelahan.

Matapos ang pagdukot ay humarurot ang nasabing sasakyan patungo sa direksyon ng Piagapo, Lanao del Sur.

Patuloy pa ring inaalam ang motibo ng mga salarin sa pagdukot sa mga biktima.

Matatandaang dinukot din ng isang grupo ng kalalakihan ang dalawang estudyante ng MSU noong Disyembre ng nakaraang taon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply