Estudyante sa motels bawal

IPINAGBABAWAL ngayong selebrasyon ng Valentines day ang  mga estudyante na nagpaplanong pumasok sa mga motel at hotel sa Pebrero 14.

Kasunod ito ng utos ng  lokal na pamahalaan ng Maynila sa Manila Police District (MPD) na obligahin ang “registration” sa mga papasok sa hotels at motels na sakop ng Lungsod ng Maynila upang mapigilan ang pagpasok ng ilang menor de edad.

Ang nasabing kautusan ay isinagawa, makaraang pagtibayin ng konseho ng Maynila ang resolusyong inakda ni 2nd District Councilor Numero Lim na nag-aatas sa MPD at Bureau of Permits na i-check ang records ng mga pumapasok na kliyente sa hotel at motels.

Aniya, karamihan pa rin sa hotel at motels sa Maynila ay tumatanggap ng menor de edad sa kabila ng umiiral na ordinansa  na nagbabawal sa 18-anyos pababa na pumasok sa mga motel at hotel.

Dahil dito, binabalak ng alkalde na mag-akda ng resolusyon para magsilbing pangil ng awtoridad sa pagpigil sa mga menor de edad na pumasok sa mga hotel at motel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply