Eton building sa QC walang permit

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa National Building Code  ng Quezon City  Hall ang kontraktor ng Eton Centris Cyber Pode 2, isang building sa panulukan ng Quezon ave. at Edsa, matapos gumuho ang rampa nito sa ikalawang palapag nitong nakalipas na linggo.

Ang kaso ay isinampa ng engineering office ng Quezon City Hall  sa prosecutor’s office laban sa Grandway Construction Inc. (GKI).

Ayon kay Isagani Verzosa, building official ng lungsod, napag-alamang walang building permit ang itinatayong gusali.

Kung hindi aniya kukuha ng building permit ang kontraktor, tuluyan nang ipatitigil ang paggawa ng nasabing gusali.

Una rito, pinasinungalingan ni Verzosa ang pahayag ng arkitekto ng GKI na si Bernabe Kaw na nagsumite na sila ng mga dokumento sa lokal na pamahalaan,  pero hindi raw ito inaksiyunan ng mga opisyal ng city hall.

Ani Verzosa, ni isang dokumento ay wala pang isinusumite si Kaw. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply