Eurotel nasunog

HINIHINALANG sinadya ang pagsunog sa ikatlong palapag ng Eurotel  matapos iwanan ng mag-asawang umukopa sa isang kuwarto ang isang electric fan, Linggo ng tanghali, Pebrero 13, sa España, Maynila.

Nabatid na nagsimula ang pagsiklab ng apoy 12:00 ng tanghali sa room 308 ng ikatlong palapag ng 3 story building ng Eurotel sa Ibarra at Blumentritt st.

Ayon sa isang staff desk na si Jessie Aquino, isang mag-asawa umano ang umukopa sa nasabing kuwarto ngunit iniwan nilang naka-lock ang pinto kaya nahirapan ang ilang personnel na buksan agad iyon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa loob.

Hinihinalang iniwang bukas na electric fan ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Inaalam na kung magkano ang halaga ng natupok sa sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply