Ex-AFP chief Reyes sisilipin din sa Lamitan siege

SISILIPIN din ng Senado ang koneksiyon ni dating Defense Secretary Angelo Reyes sa Lamitan siege noong Hunyo 2001 kung saan kataka-takang nakatakas ang lahat ng miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kahit nakorner ng militar sa isang ospital sa Lamitan, Basilan.

Inihayag ito ni Sen. Antonio Trillanes IV, matapos matanggap ang ilang mahahalagang impormasyon sa militar na hinayaan ng isang “high ranking officials noon ng Armed Forces of the Philippines na makatakas ang ASG na nasukol sa loob ng Jose Reyes Memorial Hospital sa Lamitan.

Sinabi ni Trillanes na isinagawa ang operasyon sa Lamitan upang mabawi ang mga hostage ng ASG partikular sina  Reghis Romero II, may-ari ng R-2 Builders Inc., at ang kaibigan nitong babae, habang ang ibang hostage kabilang na ang mag-asawang Burnham ay bitbit pa rin ng mga bandido sa pagtakas.

Sinabi ni Trillanes na kung may kinalaman si Reyes sa pagpapatakas sa Abu Sayyaf sa Lamitan siege ay maaari siyang kasuhan dahil sa maraming sundalo at opisyal ang namatay sa salpukan.

Matatandaan na si Trillanes ay naghain din ng resolusyon noong 14th Congress upang imbestigahan ng Senado ang sabwatan umano ng military official at Abu Sayyaf matapos na mapatay ang 14 na Marines kung saan sampu dito ang pinugutan ng ulo sa Tipo-Tipo Basilan noong Hulyo 2007. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply