Ex-AFP chiefs, COA officials gigisahin ulit

TATLONG dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ilang opisyal ng Commission on Audit (COA) ang nakatakdang igisa sa Biyernes, Pebrero 18, hinggil sa umano’y na korapsyon sa military, partikular ang “pabaon system.”

Inihayag ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng Blue Ribbon Committee, na pumayag nang dumalo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa AFP scandal ang mga dating AFP chief na sina retired Gen. Diomedio Villanueva, retired Gen. Roy Cimatu at retired Gen. Efren Abu.

Bukod kina ex-AFP comptroller Carlos Garcia, Lt. Gen. Jacinto Ligot, at dating AFP budget officer George Rabusa, inimbitahan din ang mga dating opisyal ng AFP na humahawak ng pondo sa militar.

Ayon kay Guingona, ang mga ito ay sina Maj. Gen. Hilario Atendido, Maj. Gen. Epenito Logico, Col. Gilbert Gapay, budget officer Col. Philip Vicencio, dating  finance operations officer Col. Antonio Ramon Lim.

Kabilang din dito sina: Capt. Emerson Angulo, dating deputy budget officer; Capt. Ernesto Paranes, dating special disbursing officer ng ISAFP; Col. Abraham Bagasin, dating deputy budget officer; Maj.  Tomas Donato, dating comptroller ng ISAFP; at Generoso Del Castillo Jr., dating chief accountant ng AFP.

Imbitado rin si Capt. Kenneth Paglinawan, dating hepe ng ISAFP na nabanggit na kumuha ng tax rebates sa binili at pumalpak na Unarmed Utility Vehicle (AUV) mula Israel na nagkakahalagang P200 milyon.

Dadalo rin sa pagdinig sina dating congressman at Local Water Utilities Administrator chairman Prospero Pichay upang linawin ang binanggit ni Rabusa hinggil sa pagdalaw niya kay yumaong Angie Reyes nang ito ay hepe pa ng AFP.

Inimbitahan  din ng komite ang dati at kasalukuyang opisyal ng COA, kabilang sina Heidi Mendoza at Divina Cabrera, resident auditor ng AFP sa loob ng 13 taon na hinihinalang nakinabang din sa pabaon system.

Kumpirmado naman na dadalo sa pagdinig sina Defense Sec. Voltaire Gazmin, AFP chief Lt. Gen. Ricardo David Jr., Atty. Wendell E. Barreras-Sulit, special prosecutor ng Office of the Ombudsman; Atty. Vicente S. Aquino, executive director ng Anti-Money Laundering Council; Alicia Valderama-Torres,  bank officer at Mrs. Erlinda Ligot. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply