Ex-cop arestado sa cocaine

SWAK sa kulungan ang isang dating pulis at kasamahan nito sa isang buy-bust operation ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang hideout sa Palo, Leyte.

Sa report ni Region 8 PDEA Director Julius Navales kay PDEA Director General/Undersecretary Jose  Gutierrez Jr., nadakip sa operasyon ang dating pulis na si PO2 Elmer Ampong, alyas “Otik” at kasamaha nito na si Alfredo Lacbayo Jr., kapwa ng Barangay A, Borongan City, Eastern Samar.

Ayon sa PDEA, nakumpiska sa suspek ang isang brick ng cocaine, isang Colt Mark IV Series 80 caliber .45 pistol, mga bala, isang balisong at buy-bust money na P50,000.

Sinabi ng PDEA na nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy bust operation nitong Linggo sa Palo, Leyte.

Bunga nito sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (b) (Conspiracy to Sell) ang dating pulis  at kasamahan nito. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply